Home NATIONWIDE Trough ng bagyong Koto, iba pang weather system magpapaulan sa bansa

Trough ng bagyong Koto, iba pang weather system magpapaulan sa bansa

248
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan ang trough ng tropical storm Koto na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at iba pang weather system ngayong Linggo, Nobyembre 30 sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ang trough ng bagyong Koto ay magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Kalayaan Islands.

Huling namataan ang bagyong Koto sa layong 360 kilometro hilagang kanluran ng PAGASA Island sa Kalayaan, Palawan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 105 kilometro kada oras.

Makararanas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorm ang Apayao at Cagayan dahil sa shear line, habang ang Ilocos Region, Batanes, at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan dahil sa Amihan.

Localized thunderstorms ang magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms sa Visayas, Mindanao, at nalalabing bahagi ng Palawan.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here