Home ENTERTAINMENT Anjo, humingi ng tawad sa TVJ, may banta!

Anjo, humingi ng tawad sa TVJ, may banta!

291
0

Manila, Philippines – ‘Yun ba ang humihingi ng tawad?

Ganito lang kasimple ang tanong ng mga netizens makaraang mapanood ang latest TikTok ni Anjo Yllana.

Sa TVJ na binubuo nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon naka-address ang nilalaman ng video na ‘yon ni Anjo.

Pero ang pinakabuod nito’y humihingi siya ng tawad mula sa comic trio dahil sa kanyang mga sinabi laban sa kanila at sa Eat Bulaga.

Anjo’s apology came on the heels of reports that the trio is contemplating appropriate charges against him.

Pero imbes na matinag ay nagbanta pa si Anjo kung hindi siya patatawarin ng mga ito.

Aniya, marami pa raw siyang mga pasabog na isisiwalat: “Patawarin n’yo na ako at mananahimik ako.”

Kung hindi raw kasi ito mangyayari’y may aabangang pasabog pa raw siya.

Nagbigay ng hint si Anjo kung ano ito: “This is going to be about the immorality in Eat Bulaga! Kaya kung ayaw ng TVJ na may mga taong masasaktan o madadamay, patawarin n’yo ako. Eh, kaso tinitira n’yo pa rin ako!”

Tanong tuloy ng mga netizens–bakit si Anjo ang may kundisyon that he’s the one who calls the shots?

At ‘yun daw ba ang sinserong tao na humihingi ng kapatawaran pero may pagbabanta pang nalalaman?

Anong klaseng pag-iisip mayroon si Anjo?

Kayo na pong mga mambabasa ang bahalang sumagot ng mga tanong. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here