Home NATIONWIDE Regulasyon ng veterinary products, dairy ililipat na sa DA mula FDA

Regulasyon ng veterinary products, dairy ililipat na sa DA mula FDA

317
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) ang paglilipat ng ilang regulatory functions sa Bureau of Animal Industry (BAI) at National Dairy Authority (NDA) mula sa Food and Drugs Administration (FDA).

Ito ay kasunod ng pag-isyu ng DA at FDA ng joint advisory sa jurisdiction shifts kasunod ng pagsasabatas ng Republic Act 12308 o Animal Industry Development and Competitiveness Act.

Sa ilalim ng paglilipat, ang hurisdiksyon sa veterinary drugs, products at biologics at iba pang animal health products at devices ay ililipat mula FDA patungong BAI.

Ang NDA naman ay magkakaroon ng “full regulatory authority” sa dairy industry, kabilang ang testing at accreditation ng local dairy products at pangangasiwa sa produksyon sa pamamagitan ng post-market distribution.

Patuloy na susuriin ng FDA ang mga aplikasyong inihain bago ang Oktubre 28, at ang pending cases na hanggang Abril 25, 2026 na ipapasa naman sa BAI o NDA para sa pinal na desisyon.

Laht ng FDA-issued permits ay mananatiling valid hanggang sa expiration dates ng mga ito.

Ang mga aplikasyon naman na ipinasa matapos ang Oktubre 28 ay ipoproseso na ng BAI at NDA.

Mananatili naman ang kasalukuyang fee schedules hanggang sa baguhin ito ng DA kasunod ng public consultation. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here