Home ENTERTAINMENT Bea at ina, madalas magbardagulan!

Bea at ina, madalas magbardagulan!

303
0

Manila, Philippines – Ang bardagulang nagaganap sa mag-inang Bea Alonzo at Mary Anne Ranollo ay hindi na raw bago sa pandinig.

Often, they quarrel over men.

But wait, lilinawin lang namin that Bea’s mother can be brutally frank to a fault.

Mary Anne kasi is the type of a parent who speaks her mind.

Tatapatin daw niya si Bea kung hindi niya bet ang nobyo nito, o magiging nobyo pa lang.

In a way, nase-sense na ng ina ang mga red flags kaya hangga’t maaari’y nag-iisyu na siya ng babala sa anak.

Eh, ang tipo pa naman daw ni Bea na aminadong “syunga” pagdating sa pag-ibig.

Worse, ang aktres ang klase ng babaeng takot daw mawalan ng boylet unless napatunayan niyang wala itong kuwenta.

In short, naniniguro lang si Bea.

In the same manner daw na noon ay hindi boto si Bea sa kanyang stepdad for her mom.

She had cast doubts on the man na later on ay tinanggap niya dahil tapat naman pala ang hangarin nito sa kanyang ina.

Generally, Bea and her mom differ in more ways than one.

Sa showbiz, hindi na rin bago sa ating pandinig ang tungkol sa mga mag-ina who squabble over the same issue.

Classic example na nga sina Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez, with the mother always portrayed as contravida in the actress’ lovelife. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here