Home NATIONWIDE Lungsod ng Maynila bantay-sarado ng MPD sa kaliwa’t kanang rally

Lungsod ng Maynila bantay-sarado ng MPD sa kaliwa’t kanang rally

256
0

MANILA, Philippines – Bantay sarado na ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa kaliwa’t kanang rally sa Maynila.

Kaninang umaga ay bahagyang nagkatensyon sa pagitan ng pulisya at mga ralyista sa bahagi ng Kalaw Street dahil sa pagpupumilit na makapasok sa Luneta Park.

Ito ay dahil wala umanong permit ang mga sumugod na ralyista para magsagawa ng kanilang progrma.

Ang November 30 Trillion Peso March na nasa Quirino Grandstand ay ikinasa upang maihayag ng mga mamamayan ang sentimyento sa tumitinding korapsyon sa bansa.

Mayroon ding kilos-protesta na ikinasa sa Liwasang Bonifacio.

Ayon sa MPD, paiiralin pa rin ang maximum tolerance sa buong kaganapan.

Hindi lamang sa Luneta isasagawa ang Trillion March kundi maging sa ibat-ibang lugar sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here