Home LIFESTYLE HEALTH Japan magbibigay ng P139-M sa PH sa paglaban sa tuberculosis

Japan magbibigay ng P139-M sa PH sa paglaban sa tuberculosis

341
0

MANILA, Philippines – Magbibigay ang pamahalaan ng Japan ng humigit-kumulang P139 milyon na tulong sa Pilipinas para sa laban kontra tuberculosis (TB) at iba pang suliraning pangkalusugan.

Ayon sa pahayag ng Embassy of Japan sa Pilipinas, nilagdaan ni Ambassador Endo Kazuya ang grant at exchange of notes kay Andrew Kirkwood, Director ng UNOPS Geneva Office, noong Oktubre.

Ito ay bahagi ng proyekto na pinamagatang “The Project for Enhancing Tuberculosis Screening in Remote Areas” sa bansa.

Bukod dito, magbibigay ang Japan ng 20 ultraportable X-ray units na may AI-CAD (computer-aided diagnosis) technology sa mga health office na nagsisilbi sa mga malalayong lugar at komunidad na mahirap maabot.

Ayon sa embassy, ang tulong ng Japan ay nagkakahalaga ng 370 milyon Japanese Yen (humigit-kumulang P139 milyon) upang suportahan ang mga hakbang ng Pilipinas laban sa TB.

Sinabi ni Ambassador Endo na hindi kailangang harapin ng bansa ang TB mag-isa.

Idinagdag pa niya na umaasa siyang makakatulong ang makabagong kagamitan at portability nito sa pagbabago ng TB screening sa bansa.

Ayon sa embassy, mahalaga ang pagbibigay ng mas maraming pagkakataon para sa screening upang labanan ang TB.

Sinabi rin ng Department of Health (DOH) na patuloy nilang pinapalakas ang kanilang programa para sa pagtanggal ng TB sa bansa sa pamamagitan ng Philippine Strategic TB Elimination Plan at Philippine Acceleration Action Plan for Tuberculosis 2023–2035.

Target ng DOH na mascreen ang 12 milyong Pilipino nationwide pagsapit ng 2025. Inihain din nila ang P4.2 bilyong budget para sa susunod na taon upang pabilisin ang serbisyo sa kalusugan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here