Home ENTERTAINMENT Sweetness ni Bea at jowa, lantad na!

Sweetness ni Bea at jowa, lantad na!

258
0

Manila, Philippines – Truly, love is in the air.

Hindi na nga mapigilan ang ka-sweet-an ng magkasintahang Bea Alonzo at Vincent Co.

Very evident ito sa video kuha sa birthday celebration ng ina ng aktres, si Mary Anne Ranollo.

Ginanap ang selebrasyon sa isang music bar sa Quezon City.

llan lang sa mga nakakakilig na eksena sa video ay ang paghalik ni Bea sa lips ni Vincent.

Meron ding nasa likod ni Vincent si Bea na nakayakap sa bewang nito.

Meron ding nakayakap si Bea sa leeg ni Vincent na nakahawak naman sa bewang ng aktres.

Very casual lang ang suot ng magnobyo–Bea in black t-shirt, Vincent in white t-shirt, pants and white cap.

More than seven months na mula nang mabalitang nagde-date sina Bea at Vincent.

Kamakailan lang, nabigyan ng kahulugan ang ginawang pagbati ni Kris Aquino kay Bea na: “See you in one and a half months!”

Inakala tuloy ng marami na magnininang si Kris sa kasal ng magnobyo–bagay na labis pinagtakhan ni Bea.

Kasabay nito’y kumalat din ang balitang um-attend ng kasal ang manager ni Bea na si Shirley Kuan sa Spain.

Ipinapalagay that it was Bea’s wedding which the manager attended. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here