Home ENTERTAINMENT Aljur, binansagang “boy sili’!

Aljur, binansagang “boy sili’!

280
0

Manila, Philippines – “Boy Sili” na rin ngayon ang bansag ng mga netizens kay Aljur Abrenica.

Ito’y makaraan ang rebelasyon ng partner niyang si AJ Raval sa Fast Talk with Boy Abunda.

Sa wakas kasi ay inamin na ni AJ ang matagal nang usap-usapan that she’s mothering kids courtesy of Aljur.

Aminado si Boy na ikinagulat niya ang bilang ng mga anak ng kanyang panauhin–not just two but five!

Tatlo sa lima’y si Aljur ang ama.

Para kay AJ, malaking sense of relief ang naramdaman niya sa ginawang public confession.

Hindi na raw kailangang magtago ang kanyang mga anak who now enjoy their freedom.

Pero tila ang kailangang “magtago” sa kahihiyan ay si Aljur.

Binabarag kasi siya ng mga netizens, even addressing him as “Boy Sili.”

Taong 2022 daw kasi noong magkakilala sila ni AJ–and in too short a time ay nakatatlong anak na ito!

Sey nga ng isang netizen–hindi naman daw kataka-takang magbuntis si AJ pero magbuntis ng sunud-sunod: “Grabe!”

Wish din ng iba’y tumagal ang relasyon nina AJ at Aljur at hindi matulad sa sinapit ng aktor at ni Kylie Padilla. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here