Home NATIONWIDE Tatlong dam sa Luzon patuloy na nagpapakawala ng tubig – PAGASANATIONWIDETOP STORIES Tatlong dam sa Luzon patuloy na nagpapakawala ng tubig – PAGASADecember 1, 2025 13:132260 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – May tig-iisang gate na bukas ang tatlong dam sa Luzon para magpakawala ng tubig ngayong Lunes, Disyembre 1, ayon sa PAGASA.Ang Ambuklao Dam sa Benguet ay mayroong isang gate na nakabukas sa 0.3 metro na nagpapakawala ng 59.47 cubic meters per second (cms) na tubig.Nasa 751.22 metro ang reservoir water level ng Ambuklao Dam na malapit sa 752 meter spilling level o normal high water level (NHWL).Ang Binga Dam na matatagpuan sa Benguet ay may isang gate din na nakabukas sa 0.3 metro at nagpapakawala ng 51.36 cms ng tubig.Nasa 574.60 metro ang RWL ng dam at malapit sa 575-m NHWL.Samantala, ang Magat Dam na nasa Ifugao at Isabela ay may isang gate na nakabukas sa 1.0 metro at nagpapakawala ng tubig sa 248.83 cms.Mayroon itong RWL sa 189.94 m at ang NHWL ay nasa 193 m.Sa ngayon ay isinara na ang mga gate ng Angat at Ipo Dam. RNT/JGC