Home ENTERTAINMENT Netizens, naumay na sa Ellen-Derek!

Netizens, naumay na sa Ellen-Derek!

267
0

Manila, Philippines – Pag paulit-ulit, nakakasawa na. Pag tila walang katapusan, ‘di na pag-iinteresan.

Sa ganitong level na umabot ang isyung sangkot sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Ang namuong obserbasyon ng marami’y umabot na raw sa saturation point ang usapin tungkol sa problema ng mag-asawa.

In short, may umay factor na.

Katwiran ng mga netizen–kung gaano raw katahimik ang couple noong kapuputok pa lang ang balita ay blow-by-blow account naman ang nababasa sa social media.

Bale ba, it’s all one-sided: puro panig lang ni Ellen ang naririnig.

Sabi naman ng iba, patunay lang daw na by not talking about what’s wrong with their marriage–ibig sabihi’y hangga’t kayang isalba ni Derek ang kanilang pagsasama’y hindi niya maaatim na siraan si Ellen.

Naniniwala pa rin daw si Derek that their marital kinks can be solved both amicably and in the privacy of their home.

llang beses na nga namang tinangkang hingan ng pahayag si Derek but all that he does ay umiwas.

At dahil lantaran na ang pag-aalsa-balutan ni Ellen, kasama na rin daw “lumayas” ang misteryo to keep the issue interesting para sundan ito.

Kung meron pa daw magkakainteres sa isyu, ‘yun daw ay ang reaksyon na lang ni Dèrek sa paglayas ni Ellen.

Pero ang tanong–will Derek be willing to talk this time?

Asa pa tayo? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here