Home NATIONWIDE 200 tirahan naabo sa sunog sa Caloocan

200 tirahan naabo sa sunog sa Caloocan

257
0

MANILA, Philippines – Tinupok ng sunog ang nasa 200 tirahan kung saan naapektuhan ang 246 pamilya o 600 indibidwal sa sunog na sumiklab sa residential area sa Interville Subdivision sa Barangay 164, Caloocan City nitong Lunes, Disyembre 1.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na inabot ng dalawang oras bago tuluyang naapula ang sunog.

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, posibleng sanhi ng sunog ang naiwang nakasinding kandila.

“Nalaman namin na naputulan ng kuryente rito kaya gumamit sila ng kandila. So ang cause of fire po na puwedeng pagmulan, allegedly, unattended lighted candle,” pahayag ni FSupt. Jacky Ngina, Caloocan City Fire Marshal sa panayam ng GMA News.

Nasa evacuation center ng Barangay 164 ang mga apektadong residente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here