Home METRO Delivery boy na hinihinalang nagpatiwakal, patay

Delivery boy na hinihinalang nagpatiwakal, patay

296
0

MANILA, Philippines – Isang 24-anyos na hinihinalang kumitil sa sarili niyang buhay ang natagpuang patay na sa isang water station sa Malabon City.

Batay sa report na nakalap mula sa Malabon-PNP, nakilala ang biktima na si alyas Mario, taga-Samar, isang delivery boy at stay-in worker sa Del Pilar St., Brgy. Santulan ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ni PMsgt Jeric Tindugan, nadiskubre ang bangkay ng biktima ng kaibigan at kasamahan ng nasawi sa trabaho.

Dakong alas- 9:00 ng umaga nang buksan ng katrabaho ang water station at doon bumulaga sa kanya ang nakabigting katrabaho.

Nang magresponde ang Patrol Base 3 sa lugar, nakita nila ang biktima na nakabitin sa isang metal roof beam, gamit ang lubid na nylon na nakapulupot sa leeg nito.

Nananawagan naman ang pulisya sa pamilya at sa nakakakilala sa yumao na makipag-ugnayan sa Malabon City Police Station habang patuloy ang kanilang pag-iimbestiga at ang resulta ng autopsy report upang matukoy ang tunay na pagkasawi nito. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here