MANILA, Philippines – Umapela ang Department of Justice sa publiko na huwag mainip sa pagpapalabas ng mga desisyon sa ilang mga kaso lalo pa kung malaki o maselan at kontrobersyal.
Sinabi ng DOJ na sila man ay naiinip na rin pero hindi naman maaaring madaliin ang isang bagay dahil lamang sa gusto na mai-please ang publiko.
Ipinaliwanag ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullion na kung ang habol o nais lamang ng publiko na makakuha agad ng desisyon sa mabilis na panahon ay hindi ito katanggap-tanggap dahil may sinusunod na proseso sa demokrasya.
Ayon kay Fadullion, kailangang maihain ang kaso na may matitibay na mga ebidensya para matiyak na tatayo ang kaso sa husgado. Jocelyn Tabangcura-Domenden