Home NATIONWIDE P1.8M iligal na katol nasamsam sa bodega sa Bulacan

P1.8M iligal na katol nasamsam sa bodega sa Bulacan

237
0

Bulacan – Arestado ang apat na indibiduwal nang mahulihan umano ng P1,843,000.00 halaga ng ipinagbabawal na katol sa isang warehouse sa bayan ng Marilao.

Sa report na nakarating kay PMGEN Robert Morico, Acting Director ng CIDG, kinilala ang mga suspek na sina Gabriel, Charlie, Rafael at Jackie, kapwa nasa hustong gulang, empleyado ng nasabing bodega at residente sa lalawigang ito.

Ayon sa belated report, sinilbi ng mga tauhan ng CIDG Bulacan Provincial Field Unit ang Search Warrant for violation of Section 11 of RA 9711 (The Food and Drug Administration Act of 2009) sa Warehouse No.3, Ilang-Ilang compound, Brgy. Sta. Rosa noong Nobyembre 21

Nang masamsam sa operasyon ang 1,843 boxes ng alleged unregistered household urban pesticide mosquito coil na may halagang P1,843,000.00 ay inaresto ang mga suspek at kinumpiska rin ang limang truck na gamit sa pagkakalat ng unregistered products.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa nasabing yunit.

Kaugnay nito, pinuri ng heneral sina PCOL Grant A. Gollod, hepe ng CIDG Regional Field Unit 3 at PLTCOL Al-Rieza Kinang ng CIDG Bulacan Field Unit sa kanilang accomplishment o agarang paghuli sa unregistered mosquito coil products na may masamang dulot umano sa kalusugan ng mamimili. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here