Home NATIONWIDE 3 kritikal, 1 sugatan sa sunog sa storage area ng mga LGP,...

3 kritikal, 1 sugatan sa sunog sa storage area ng mga LGP, butane

246
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa imbakan ng mga LPG at butane tanks sa Sitio Molave, Barangay Lagtang, Talisay City, nitong Lunes, Disyembre 1.

Nagresulta ito sa isang manggagawa na nasa kritikal na kondisyon habang nagtamo ng minor injuries ang dalawa iba pa.

Bandang 5:30 ng umaga nang makatanggap ng report ang Talisay City Fire Station na agad namang nirespondehan at nakontrol ang sunog sa loob lamang ng 30 minuto.

Kritikal sa nangyaring sunog ang manggagawa na si alyas “Jojo,” 49-anyos na nagtamo ng second-degree burns mula sa kanyang ulo hanggang sa baba ng katawan at third-degree burns sa dalawang paa.

Agad siyang dinala sa Cebu South Medical Center (CSMC) para gamutin.

Nagtamo naman ng minor injury ang dalawa iba pa kabilang ang 23-anyos na babae.

Sinabi ni Fire Officer Mar Dee Auxtero II, imbestigador mula sa Talisay City Fire Station, na nakasara ang storage area at hindi ligtas para sa highly flammable gas cylinders.

Idinagdag pa niya na ang sunog ay posibleng dahil sa sumabog na cylinder na posibleng dahil naman sa naninigarilyo malapit sa tanke.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ang totoong sanhi ng sunog. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here