Home NATIONWIDE 2 mangingisda tiklo sa P795K shabu sa Lucena

2 mangingisda tiklo sa P795K shabu sa Lucena

213
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P795,000 halaga ng shabu mula sa dalawang tulak sa buy-bust operation sa Lucena City, Quezon nitong Linggo, Nobyembre 30.

Sa report, sinabi ni Lt. Colonel Ryan Hernandez, Lucena police chief, na kinilala ang mga suspek na sina “Brando,” 43, at “Petot,” 48.

Ang operasyon ay sa pakikipagtulungan ng Quezon Maritime Police.

Naaresto ang mga ito na nagbebenta ng P500 halaga ng shabu sa undercover pulis sa Barangay Talao-Talao, isang coastal area.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang heat-sealed plastic sachet at tatlong sealed plastic packs na naglalaman ng 39 gramo ng hinihinalang shabu.

Tinatayang P795,600 ang halaga nito.

Tinukoy ang dalawang suspek bilang street-level pusher na ginagamit ang kanilang trabaho bilang mangingisda para itago ang illegal na gawain.

Iniimbestigahan na ang source ng illegal na droga at ang mga suspek ay nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here