MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P21 milyong halaga ng ismagel na sigarilyo at naaresto ang isang suspek sa anti-smuggling operation nitong Linggo, Nobyembre 30.
Ayon kay Brig. Gen. Edwin Quilates, regional police director, naharang ng mga operatiba ang isang wing van sa local port na naglalaman ng 300 master cases ng assorted na mga sigarilyo na itinago sa loob ng sasakyan.
Nasa kustodiya na ng mga awtotidad para sa imbestigasyon ang 42-anyos na residente ng Barangay San Jose Cawa-Cawa.
Pinuri naman ni Quilates ang operating units sa epektibong koordinasyon para masugpo ang pagpasok ng mga illegal na produkto.
“This operation underscores our continuing campaign against smuggling and other illegal activities that undermine lawful trade and national security,” sinabi pa ni Quilates. RNT/JGC