MANILA, Philippines – Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) nitong Lunes, Disyembre 1 na ang mga electric vehicles na pinagbabawalan nang bumiyahe sa mga national highway ay sisimulang i-impound pagsapit ng Enero 2.
Sa press briefing, sinabi ni LTO chief Markus Lacanilao na bagamat ipinagpaliban ang pag-impound ng e-vehicles, this does not mean that from Dec. 1 to Jan. 1 [e-vehicle drivers] are allowed to run on highways.”
“Our enforcers will reprimand them not to operate on national highways, but they [will not have their vehicles impounded]… When Jan. 2 comes, that’s when they will be penalized,” ani Lacanilao.
Idinagdag pa niya na papayagan pa ring tumawid sa mga national highway ang mga e-vehicle at sinabing ang ban ay para lamang sa mga mismong bumabagtas sa national highway.
Kamakailan ay inanunsyo ng ahensya ang pagbabawal sa mga e-vehicles katulad ng e-bikes, e-trikes, at light electric vehicles sa national roads at mai-impound simula Disyembre 1 dahil sa safety concerns.
Kalaunan ay inilipat ito sa Enero 2 matapos makatanggap ng feedback ang LTO sa mga motorista.
Ang gagawin na lamang ng ahensya sa ngayon ay ang pagsasagawa ng information drive upang masigurong alam ng mga may-ari ng e-vehicle ang bagong polisiya. RNT/JGC