Home HOME BANNER STORY Rep. Barzaga pinatawan ng 60-day suspension ng Kamara

Rep. Barzaga pinatawan ng 60-day suspension ng Kamara

283
0

MANILA, Philippines – Kinatigan ng plenaryo ang rekomendasyon ng House Ethics Committee na patawan ng 60-day suspension si Cavite Rep. Kiko Barzaga matapos mapatunayang guilty sa “disorderly conduct”.

Nasa 249 mambabatas ang bumoto pabor sa pagpapataw ng suspension kay Barzaga habang lima ang tutol at 11 ang abstain.

Maliban sa suspendido ay hindi rin makakatanggap ng benepisyo, sweldo at allowance si Barzaga at inatasan ito na tanggalin ang ilang kontrobersiyal na social media posts sa loob ng 24 oras.

Nagbabala rin ang komite na mas mabigat na parusa ang maaaring ipataw pa kay Barzaga kung uulitin nito ang hindi magandang asal bilang isang kongresista.

Matatandaan na ang reklamo sa House Ethics Committee ay isinampa ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno at ilang miyembro ng National Unity Party laban kay Barzaga dahil sa misconduct, inciting seditious activity, pagpopost ng mga lewd content at paglalantad ng yaman.

Sa panig ni Barzaga, sinabi nito na tanggap niya ang desisyon ng kanyang mga kasamahan at handa nyang harapin ang parusa na ipinataw laban sa kanya gayunpaman iginiit nito na wala syang nilabag na Code of Conduct ng House of Representatives. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here