Home OPINION AFP NI BRAWNER AT GIBO, BAKIT TAHIMIK?

AFP NI BRAWNER AT GIBO, BAKIT TAHIMIK?

262
0

NAKABIBINGI ang katahimikan sa kampo ng Armed Forces ni General Romeo Brawner at Defense Secretary Gibo Teodoro at maging ang Palasyo hinggil sa isyu ng ‘recruitment’ ng CIA (Central Intelligence Agency) ng mga Pilipino na maging mersenaryo at sumabak sa giyera sa Ukraine laban sa armadong pwersa ng Russia.

Ayon kay Russia Ministry of Foreign Affairs spokesperson, Maria Zakharova, nag-aalok ng $5,000 (higit P300,000) sweldo kada buwan ang mga ‘PMCs’ (private military contractors) ng ‘Tadong Unidos sa bawat rekrut at binigyan sila ng pagsasanay ng mga Kano sa isang pasilidad sa San Fernando, Pampanga.

Walang ibang military base sa San Fernando bukod sa Basa Air Base na ngayon ay ‘US property’ bilang isa sa mga siyam na ‘EDCA Bases’ nila sa ‘Pinas.

Itinanggi naman ng German Embassy na kasabwat sila ng AFP ni Brawner at ng mga Kano sa pagkapahamak sa ating mga desperadong kababayan.

Anang embahada, “hindi” sila ang nagbibigay ng ‘visa’ sa mga mersenaryong Pinoy para makapunta at magpakamatay sa Ukraine.

Kung hindi ang mga Aleman, sino? Mga British? French? Poland? O hindi na kailangan dahil direkta na silang ililipad ng mga Kano sa kanilang kamatayan sa Ukraine?

Noong isang taon, mismong si Vladimir Putin na ang ‘nag-warning’ na “isasama” nila ang ‘Pinas sa kanilang mga “target” sa Pasipiko dahil pumayag tayong maglagay dito ng ‘nuclear capable missiles’ ng Amerika, ang ‘Typhoon Missile System.’

Sabihin pa, nakaamba na rin sa atin ang missiles ng China dahil sa walang tigil na pang-aaway ng AFP ni Brawner at Gibo at sa pakikialam natin sa isyu ng Taiwan—isang probinsiya at bahagi ng teritoryo ng China at ‘red line’ para sa kanila.

At hindi pa “nakuntento” ang ating mga opisyal, ngayon naman pumayag na gawing tayong ‘recruitment center’ ng mga mersenaryo laban sa Ukraine?

Sadya bang wala nang natitirang dangal sa katawan ang ating mga aktibong heneral at mga nakaupong opisyal at kahit ang natitirang bagay sa atin— “dangal” bilang Pilipino– inaalis pa nila?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here