Home NATIONWIDE P15M ‘kush’ nasawata sa NAIA

P15M ‘kush’ nasawata sa NAIA

181
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang high-grade marijuana o “kush” na tinatayang nagkakahalaga ng P14.9 milyon sa NAIA Terminal 3 sa Lungsod ng Pasay noong Nobyembre 28.

Sinabi ni District Collector Yasmin Mapa na nahuli ang 18 vacuum-sealed na pouches na may kabuuang 9.94 kilo ng tuyong dahon sa isang operasyon kasama ang PDEA at iba pang ahensya, alinsunod sa utos ni Pangulong Marcos Jr. na higpitan ang kampanya laban sa iligal na droga.

Binalaan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ang mga indibidwal o grupo na gagamit ng mga hangganan ng bansa sa ilegal na gawain na haharap sa agarang aksyon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here