MANILA, Philippines – Hindi nagpatinag si Interior Secretary Jonvic Remulla sa mga kritisismo laban sa kanya noong anti-corruption rally sa Bonifacio Day.
Sa Palace briefing nitong Lunes, sinabi niya na may karapatan ang mga nagpoprotesta sa kanilang kalayaan sa pagpapahayag, at hindi siya naapektuhan ng pagmumura o panlalait basta mananatili ang kapayapaan.
“Karapatan nilang sabihin kung ano ang nararamdaman nila… okay lang sa akin iyon basta maayos ang kapayapaan,” ani Remulla.
Dagdag pa niya, bahagi na ng trabaho niya ang pagtanggap ng negatibong mensahe, maging sa social media, at mas mahalaga ang pagtutok sa kanyang tungkulin.
Sa protesta, nakatayo si Remulla sa isang container van sa C.M. Recto Avenue upang obserbahan ang mga nagpoprotesta, kahit hinihiling ng ilan na bumaba siya.
Ang mga rally ay bunga ng mga nalantad na umano’y katiwalian sa mga flood control project sa mga pagdinig sa Kongreso. Santi Celario