MANILA, Philippines – Naaresto ang 17 dayuhan at 95 Pilipino sa umano’y POGO hub sa Bonifacio Global City, Taguig, na nagpapanggap bilang IT solutions company.
Ang operasyon ng CIDG, PAOCC, at SPD ay orihinal na target ang isang Chinese national na wanted sa estafa, ngunit nadiskubre ang umano’y ilegal na online gambling at love scam sa ika-10 palapag ng gusali. Mahigit 100 computer ang nakadisplay ng mga URL ng ilegal na sugal.
Iniimbestigahan ng awtoridad ang mga pagkakakilanlan at working permit ng mga naaresto.
Maaaring kasuhan ang mga Pilipino sa ilegal na pagtatrabaho sa POGO hub, at ang mga dayuhan na walang permit ay puwedeng harapin ang karagdagang kaso. Ipinagkaila naman ng ilang empleyado ang kanilang pagkakasangkot sa POGO hub o scam. Dave Baluyot