Home NATIONWIDE IRR ng Konektadong Pinoy Act, inilabas ng DICT; internet magmumura

IRR ng Konektadong Pinoy Act, inilabas ng DICT; internet magmumura

252
0

MANILA, Philippines – Inilabas ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang implementing rules and regulations (IRR) ng Konektadong Pinoy (KP) Act, na inaasahang magpapababa ng presyo ng internet, magpapalakas ng kompetisyon, at magpapalawak ng konektividad sa mga underserved na lugar.

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, target ng ahensya ang hindi bababa sa 40%-na pagbaba sa presyo ng internet pagsapit ng 2026, kasabay ng pagpapabuti ng bilis at kalidad.

Nilagdaan ang IRR noong Nobyembre 5 at available sa website ng DICT, na nagpapabilis ng permitting at registration para sa bagong internet providers.

Handa na rin ang ilang kumpanyang mula US at Europe na pumasok sa merkado, at inaasahang mararamdaman ng mga consumer ang pagbabago sa susunod na taon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here