Home METRO Minimum wage sa Bicol Region, tumaas sa P435 arawan

Minimum wage sa Bicol Region, tumaas sa P435 arawan

339
0

MANILA, Philippines – Ang minimum wage sa Bicol Region ay tumaas na sa PHP435 kada araw.

Ito ay matapos ang dagdag na P20 sahod sa ilalim ng ikalawang tranche ng Wage Order No. RBV-22, epektibo Lunes. Ang unang tranche na PHP20 ay ipinatupad noong Abril 5, 2025.

Ayon kay DOLE-5 Regional Director Imelda Gatinao, saklaw ng pagtaas ang lahat ng minimum wage earners sa pribadong sektor, anuman ang posisyon o katayuan sa trabaho.

Ipinahayag ng mga manggagawa ang pasasalamat sa dagdag ngunit sinabi nilang hindi pa rin sapat ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at nanawagan ng karagdagang pagtaas ng sahod. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here