Home NATIONWIDE OFW sa Hong Kong fire, itinuring na bayani sa pagligtas sa alagang...

OFW sa Hong Kong fire, itinuring na bayani sa pagligtas sa alagang sanggol

346
0

MANILA, Philippines – Itinuturing na bayani ang isang OFW sa Hong Kong matapos niyang protektahan ang kanyang tatlong-buwang-gulang na alaga sa gitna ng malawakang sunog sa isang high-rise residential complex.

Nasa ospital ngayon si Rhodora Alcaraz dahil sa mga tinamong pinsala matapos silang ma-trap ng sanggol sa isang silid na puno ng usok nang ilang oras.

Ayon sa dati niyang amo na si Rhoda Lynn Dayo, “Iba yung care niya sa kids… it’s so like her to put her life on the line for someone else.”

Nagbigay-pugay din ang kapwa domestic helpers sa kabayanihan ni Alcaraz.

“I feel sad about her but I salute her… she did not abandon her responsibility,” ayon kay Lai Besana.

Iniulat ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na ligtas ang 89 Pilipino, habang tinitiyak pa ang kalagayan ng dalawa.

Kumpirmado namang nasawi ang OFW na si Maryan Pascual Esteban sa itinuturing na pinakamalalang sunog sa Hong Kong sa loob ng sampung taon.

Nangako ang mga opisyal ng tulong para sa kanyang pamilya. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here