Home SPORTS Cone bukas sa posibleng pagbabalik ni Japeth

Cone bukas sa posibleng pagbabalik ni Japeth

259
0

NANANATILING bukas si Gilas Pilipinas coach Tim Cone sa posibilidad na muling maisabak si Japeth Aguilar sa national team matapos itong magretiro.

Ayon kay Cone, hindi tuluyang nakasarado ang pinto para sa beteranong Barangay Ginebra center kung kakailanganin ng koponan.

Gayunman, inaasahang magbabago ang rotation ng Gilas big men lalo na’t inaasahang makakabalik si Kai Sotto mula sa ACL injury pagdating ng susunod na FIBA Asian Qualifiers window sa Pebrero.

Bukod pa rito ang pagpasok ni Quentin Millora-Brown na nagbigay-luwag sa frontline ng Gilas.

Inamin ni Cone na ilang beses na niyang hinimok si Aguilar na huwag munang magretiro, ngunit nauunawaan niyang matagal na ring nag-aantay ang pamilya nito na mas makasama siya.

Aniya, biro pa ng asawa ni Japeth na payagan na ang player para makapagpahinga at makatutok sa Ginebra.

Sa kabila ng lahat, nanananatili ang respeto ni Cone sa mahabang serbisyo ni Aguilar para sa bansa.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here