MANILA, Philippines – Muling tinalo ng Gilas Pilipinas ang Guam, 95-71 sa first window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Sa pagpasok pa lang ng first quarter, agad na umarangkada ang Gilas Pilipinas at inararo ang world number 81 na Guam sa laro na ginanap sa Ateneo Blue Eagle Gym.
Pero sa second half, dito na umarangkada ang Guam at napababa ng bahagya ang kalamangan.
Hwak na ngayon ng Gilas ang kartadang 2-0 sa Group A.
Tabla na ang Gilas at Australia na mayroong 2-0 win-loss record kung saan maghaharap sila sa Marso 1 na gaganapin dito sa Pilipinas.JC