Home NATIONWIDE Impeachment complaint vs VP Sara, nakaumang na sa Pebrero 2026

Impeachment complaint vs VP Sara, nakaumang na sa Pebrero 2026

345
0

MANILA, Philippines – Naghahanda ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na muling magsampa ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte pag-expire ng one-year ban sa Pebrero 5, 2026.

Ayon kay BAYAN chair Teddy Casiño, kanilang pinag-aaralan ang posibleng batayan ng reklamo, lalo na ang umano’y pagkawala ng tiwala ng publiko dahil sa sinasabing maling paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd.

Tinitingnan din nila ang desisyon ng Korte Suprema na nagdeklara na unconstitutional ang naunang impeachment articles upang maging gabay sa bagong estratehiya.

Noong Agosto 2025, inilipat sa archive ng Senado ang unang kaso matapos ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Sinabi naman ng Akbayan Party-list na bukas silang sumuporta o makisali sa bagong reklamo kapag natapos na ang ban. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here