Home SPORTS Parang PBA lang ang laban vs Gilas – Jericho Cruz

Parang PBA lang ang laban vs Gilas – Jericho Cruz

262
0

PARA kay Jericho Cruz, halos walang pinagkaiba ang pagharap niya sa Gilas Pilipinas sa FIBA Asian Qualifiers kumpara sa regular na bakbakan nila sa PBA.

Ayon sa kanya, pareho pa rin ang intensity dahil matagal na niyang nakakalaban sina Scottie Thompson at Chris Newsome sa liga.

Nagpakitang-gilas si Cruz sa kabila ng 95-71 na pagkatalo ng Guam, nagtala ng 27 puntos sa harap ng punong Blue Eagle Gym.

Aniya, parang “wartime” pa rin tuwing magkakaharap sila sa court, at hindi nagbabago ang tapatan kahit ibang bandera ang dala.

Dagdag pa ni Cruz, hindi rin naiiba ang pakiramdam kapag kaharap niya sina June Mar Fajardo at CJ Perez dahil sanay na raw siya sa pisikal at matinding kompetisyon sa San Miguel.

Sa bandang huli, aniya, ang respeto ang nangingibabaw sa kanya.

Pinuri niya ang mahusay na ipinakita ng Gilas players at tinanggap nang may kababaang-loob ang pagkatalo. GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here