Home METRO Most wanted ng Valenzuela, arestado sa Pangasinan

Most wanted ng Valenzuela, arestado sa Pangasinan

218
0

Matapos ang mahigit isang taong pagtatago, tuluyan nang naaresto ang isang lalaki na kabilang sa Most Wanted Person (MWP) ng Valenzuela nang masukol ito sa lalawigan ng Pangasinan, napaulat kahapon.

Ayon sa report na nakalap mula kay Valenzuela City Police Station chief P/Col. Joseph Talento, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguan ng akusadong si alyas “Dada,” 31, sa Pangasinan.

Ang akusado ay may nakabinbin na warrant of arrest na inisyu ng Family Court, Branch 16, Valenzuela City noong July 12, 2024, para sa limang bilang ng Lascivious Conduct under Section 5(b) of R.A. 7610, kaya nakatala ito bilang Top 5 Most Wanted Person sa VCPS.

Katuwang ang CIDG Pangasinan PFU-SATT1, NDIT, at RIU-NCR ng Intelligence Group, agad ikinasa ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng VCPS ang manhunt operation na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto sa akusado sa Burgos, Pangasinan, dakong alas-8:20 ng umaga.

Maayos naman umanong naisilbi sa akusado ang naturang warrant na may inirekomendang piyansa na P180,000 bawat bilang para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pinuri naman ni Col. Talento ang koordinasyong pagsisikap ng lahat ng participating units at binigyang-diin na ang pag-aresto ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng puwersa ng pulisya na tugisin ang mga pugante at tiyakin na makakamit ang hustisya ng mga biktima.

(Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here