Home METRO Kita ng motel, nilimas ng nagpanggap na kostumer

Kita ng motel, nilimas ng nagpanggap na kostumer

225
0

MANILA, Philippines – Nasa humigit-kumulang ₱28,000 ang natangay ng dalawa na nagpanggap na kostumer sa isang motel sa Eagles Nest, Barangay Bagbag, Rosario, Cavite.

Ayon sa report, dakong alas-2:30 ng madaling araw, Disyembre 1, 2025, pumasok ang dalawang armado na lalaki sa nasabing motel.

Base sa ginawang imbestigasyon ng pulisya, nagpapahinga si alyas Leah, 48 anyos, sa cashier room nang dumating ang dalawang suspek na nagpanggap umano bilang customer.

Napag-alaman na bigla na lamang pumasok ang unang suspek na may bitbit na baril at pinilit ang biktima na ibigay ang pera na nagkakahalaga ng ₱28,000.

Dito naglabas rin ng baril ang ikalawang suspek, ngunit hindi nagpatinag ang biktima (kahera) at nakipaglaban pa sa dalawang kawatan.

Batay sa salaysay ng biktima, nakasuot ng puting damit, itim na jacket, itim na pantalon, at itim na helmet ang mga suspek na mabilis na tumakas sakay ng kulay-asul na Yamaha Mio.

Mabilis namang nagsagawa ng follow-up operation ang Rosario MPS at nag-backtracking sa CCTV na posibleng dinaanan ng mga suspek para sa agarang ikadarakip ng mga ito.

(Margie Bautista)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here