Home ENTERTAINMENT Willie, may sariling channel sa Cignal!

Willie, may sariling channel sa Cignal!

317
0

Manila, Philippines – Tuloy na tuloy na ang TV comeback ni Willie Revillame.

Sa katunayan, eere sa Wil TV– sarili niyang channel sa Cgnal–ang Wilyonaryo na bahagi ng kasunduan nila ni Mr. Manny V. Pangilinan.

Matatandaang huling napanood si Willie sa Wil to Win noong February 10 noong isang taon para bigyang-daan ang kanyang senatorial bid.

Sa kasamaang palad, hindi nagwagi ang TV host noong May 12 midterm elections.

Sa kanyang pagbabalik, ipinagmamalaki niya ang P600 million worth studio na gagamitin ng Wilyonaryo.

Ito daw ang “pinakamadugong” TV studio sa kasaysayan ng programming sa bansa using state-of-the-art equipment.

Balita ring ang pinaka-come-on sa mga viewers ay ang P1 million na papremyo araw-araw.

Ang balitang ito’y para pasinungalingan ang kumakalat na tsikang hindi na matutuloy ang pagbabalik ni Willie sa TV–worse, wala daw network na interesadong kumupkop sa kanya.

Wish nga lang ng marami–sana daw ay tinanggal na rin ng TV host ang ugali niyang namamahiya ng production staff na malimit niyang ginagawa on air.

Kaya? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here