Home NATIONWIDE 1,000 ‘ghost patients’ sa Cordillera, tatalupan ng PhilHealth

1,000 ‘ghost patients’ sa Cordillera, tatalupan ng PhilHealth

241
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng PhilHealth ang 1,000 kaso ng umano’y “ghost patients” sa rehiyon ng Cordillera, kung saan may mga claim na nabayaran na sa mga health care provider para sa paggamot na hindi naman naganap.

“Some were even reported to have died before the dates of the supposed medical services,” ayon kay PhilHealth-Cordillera legal head Eric Mandiit.

Kabilang sa mga kaso ang double claims, tulad ng pasyenteng diumano’y sumailalim sa dialysis sa dalawang pasilidad sa parehong petsa. Tinatayang umabot sa PHP680,000 ang kabuuang halaga ng mga kahina-hinalang claim.

Natuklasan ng PhilHealth ang ilan sa pamamagitan ng text alerts sa mga miyembro, habang ang iba ay nahayag sa routine inspections.

Upang maiwasan ang pandaraya, nagsasagawa ang ahensya ng legal at provider summits, unannounced facility inspections, claim validation sa pamamagitan ng home visits, at text notifications.

Maaaring patawan ng parusa sa ilalim ng RA 11223, kabilang ang suspensyon ng accreditation at multa, ang mga pasilidad na mapatunayang may sala. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here