Home NATIONWIDE ‘Choosy’ taxi drivers tutugisin ng LTO

‘Choosy’ taxi drivers tutugisin ng LTO

214
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) sa mga taxi driver laban sa pagtanggi sa pasahero o paniningil ng sobra sa meter habang pinapalakas ang operasyon ngayong kapaskuhan.

“Iyon pong mga taxi lalo na po iyong mga nasa malls, terminal na namimili ng pasahero, tapos pipiliin nila, na sasabihin nila na sila ay magbayad ng hindi normal sa dapat na bayaran ay ipinagbabawal po iyan,” ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao.

Hinikayat niya ang publiko na i-report ang mga paglabag sa LTO Facebook page para agarang aksyon.

Nag-deploy ang LTO ng mga personnel sa civilian attire para sa random checks at ilulunsad ang mobile command center sa North at South Luzon upang masubaybayan ang trapiko at paglabag.

Magpapatrolya rin ang K9 unit sa pangunahing bus stations upang pigilan ang pagdadala ng ilegal na droga, bawal na bagay, at mapanganib na kagamitan, upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero ngayong holiday rush. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here