Home NATIONWIDE Parte ng baril bawal sa mga paliparan – OTS

Parte ng baril bawal sa mga paliparan – OTS

253
0

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Office for Transportation Security (OTS) nitong Miyerkules ang publiko na bawal dalhin sa Philippine airports ang mga baril o bahagi ng baril nang walang tamang dokumento.

“Gusto naming paalalahanan ang mga biyahero, lalo na ang mga lisensyadong may-ari ng baril, na dalhin ang kanilang mga dokumento kung nais nilang mag-transport ng baril,” ayon kay OTS Administrator Gilberto Cruz.

Kabilang sa kinakailangang dokumento ang license to own and possess firearms (LTOPF), firearm registration (FAR) card, at permit to transport (PTT) o permit to carry outside residence (PTCFOR) mula sa Philippine National Police.

Ito ay kasunod ng pagkaka-intercept ng isang firearm component (lower receiver) mula sa isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 noong Martes.

Hindi pinayagang makasakay ang pasahero at nakaharap sa karagdagang pagtatanong dahil sa kakulangan ng tamang dokumento.

Sinabi ni Cruz na ang ilegal na pagmamay-ari ng pangunahing bahagi ng baril ay may kaparusahang kulong mula anim na taon at isang araw hanggang walong taon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here