Home HOME BANNER STORY Max SRP sa baboy, carrots kasado sa Dis. 5

Max SRP sa baboy, carrots kasado sa Dis. 5

257
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na ipatutupad sa Biyernes, Disyembre 5, ang maximum suggested retail price (MSRP) para sa piling pork cuts at imported carrots.

Layunin ng hakbang na ito na panatilihing matatag ang presyo sa pamilihan sa kabila ng pansamantalang pagbabawal sa pag-import ng baboy mula Spain dahil sa African swine fever (ASF).

“Ang target ko is by Friday, mailabas iyong MSRP for other products,” ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Itatakda ang MSRP ng pork liempo sa PHP370 kada kilo, habang ang pigue (ham) at kasim (shoulder) ay PHP350 kada kilo. Para sa imported carrots, ang MSRP ay PHP120 kada kilo.

Tiniyak ni Tiu Laurel na hindi maaapektuhan ang lokal na suplay sa kabila ng ban sa Spanish pork, dahil sapat ang laman ng cold storage facilities.

Batay sa monitoring ng DA noong Disyembre 1, naglalaro ang presyo sa Metro Manila ng PHP270–PHP390 kada kilo para sa pork ham at PHP320–PHP470 kada kilo para sa pork belly. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here