Home NATIONWIDE P34.8-M napanis na gamot ng DOH, sinita ng COA; P100-M mapapanis pa

P34.8-M napanis na gamot ng DOH, sinita ng COA; P100-M mapapanis pa

276
0

MANILA, Philippines – Sinita ng Commission on Audit (COA) ang Department of Health (DOH) matapos matuklasang may P34.8 milyon halaga ng expired na gamot, at halos P100 milyon pa ang malapit nang mag-expire, dahil sa kahinaan sa inventory management.

“Drugs, medicines, and other inventories were found expired or nearly-expired with a total value of P34,825,702.20 and P99,461,477.71, respectively due to deficiencies in inventory management system that affected procurement planning, distribution and monitoring of inventories,” ayon sa COA.

Paliwanag ni DOH spokesperson Albert Domingo na ang ilang halos-expired na gamot ay may isa pang taon bago mag-expire noong audit, at ipinatutupad na ang electronic logistics system ng DOH, ngunit 60–70% lamang ang gumagana.

“‘Yan sana ‘yung pinaka-computer program na magsasabi ilan ba ang binili natin. Nakarating na ba ito doon sa mga pasyente o mga tao na nangangailangan at ilan ang sobra?” ani Domingo.

Kabilang sa mga expired na gamot ang 19 milyong dosis ng COVID-19 vaccines, na labis na donasyon at binili ng mga lokal na pamahalaan.

Binanggit din ng COA ang isyu sa 13 ospital ng DOH sa mahigit P1 bilyong PhilHealth claims, dahil sa hindi pagsunod sa guidelines sa processing.

Binalaan din ang kakulangan ng subsidy ng gobyerno para sa mga indirect contributors gaya ng senior citizens, PWDs, at indigent patients na maaaring makaapekto sa operasyon ng PhilHealth.

Ayon kay Domingo, sapat ang reserba ng PhilHealth at makakatanggap ito ng P113 bilyon na subsidy sa 2026 national budget.

“Malaki talaga ang reserba ng PhilHealth ngayon… not more than two years operational expenditure dalawang taon lang dapat ang tinatago,” dagdag niya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here