MANILA, Philippines – Bilang paghahanda sa Kapaskuhan, pinaalalahanan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang publiko na tiyakin na ligtas ang kanilang Christmas lights.
Inirekomenda ang pagbili ng mataas na kalidad na ilaw na may Philippine Standards o ICC marks at iwasang gamitin ang luma o maalikabok na lights, na madaling masunog.
“Gusto ko masigurado ko na safe ang members ng aking pamilya, then I will not be using it anymore,” sabi ni BFP-NCR spokesperson Jude Delos Reyes.
Dapat patayin ang lights kapag natutulog o kapag sobra na sa operating capacity upang maiwasan ang overheating. Pinaalala rin ng BFP na suriin ang lights pagkatapos ng ulan at i-unplug kapag aalis ng bahay.
Ito ay matapos ang mga insidente ng faulty Christmas lights na nagdulot ng sunog, kabilang ang pagsabog ng dekorasyon sa Municipal Hall ng Subic, Zambales. Santi Celario