Home NATIONWIDE P6.8M illegal na droga nakumpiska, 117 suspek arestado ng mga pulis-Caraga

P6.8M illegal na droga nakumpiska, 117 suspek arestado ng mga pulis-Caraga

196
0

MANILA, Philippines – Nagresulta ang serye ng mga operasyon sa iba’t ibang probinsya sa Caraga Region noong Nobyembre sa pagkakakumpiska ng 1,003.4 gramo ng shabu at 34.4 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P6.8 milyon.

Sa pahayag ng Police Regional Office (PRO-13) sa Caraga Region, 117 suspek ang naaresto sa mga operasyong ito.

Sa mga naarestong suspek, 30 ang ikinokonsiderang high-value individuals (HVIs), habang 87 ang street-level individuals (SLIs).

Kabilang sa mga pinakamalaking nakuha noong nakaraang buwan ay naganap noong Nobyembre 29 sa pagkakaaresto sa drug suspects na sina alyas Tope, 42, isang HVI, at Alias Jim, 52, isang SLI, sa operasyon sa Butuan City.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 700 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P4.7 milyon, 20 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,400, isang .45-caliber pistol with ammunition, at disassembled parts ng 9mm pistol na may live ammunition.

Pinuri ni PRO-13 chief Brig. Gen. Marcial Mariano Magistrado IV ang mga iba’t ibang istasyon, units, at provincial offices sa matagumpay na anti-illegal drug operations noong nakaraang buwan.

“Our operations succeed because of the support and cooperation of the people we serve. We call on every Caraganon to remain vigilant and work with us as we build safer, drug-free communities for our families,” ani Magistrado. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here