Home NATIONWIDE KOICA exec sinalubong ng PNP; ugnayan sa SoKor palalakasin

KOICA exec sinalubong ng PNP; ugnayan sa SoKor palalakasin

219
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Disyembre 5 na mas palalakasin pa nito ang ugnayan sa South Korea para sa modernisasyon ng pwersa ng kapulisan at public safety sa buong bansa.

Ito ay kasunod ng pagsalubong ni acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. kay Korea International Cooperation Agency (KOICA) vice president Lee Yun-Young sa courtesy visit nito sa Camp Crame, Quezon City noong Disyembre 3.

Ang KOICA ay isang ahensya ng pamahalaan ng South Korea sa pagbibigay ng tulong at technical cooperation sa developing countries.

“Our meeting focused on the continuation and strengthening of the PNP–KOICA partnership. We discussed current capacity-building programs, potential new areas of cooperation, and technology-driven initiatives that can enhance our policing capabilities. KOICA also reaffirmed its commitment to support our ongoing reforms under the ‘Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas’ initiative,” ani Nartatez.

Sa kolaborasyon sa KOICA, sinabi ni Nartatez na ipatutupad ng PNP ang mga programa sa pagpapabuti ng mga training, integrasyon ng modern technology, at pagkuha ng global best practices sa law enforcement ng bansa sa pagbibigay ng technical assistance, training opportunities, at strategic guidance para sa modernization initiatives.

Iginiit din niya na ang international cooperation ay mahalaga sa kapulisan para maging episyente, professional at tumutugon sa pangangailangan ng publiko na ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy na palakasin ang kapabilidad ng PNP.

“KOICA’s support allows us to develop personnel, adopt new technologies, and expand programs that make policing more effective and citizen-centered,” ayon kay Nartatez.

Kabilang sa pagtutulungan ay ang programa na naglalayong protektahan ang mga Korean national at iba pang foreign communities sa Pilipinas, pagpapalakas ng koordinasyon sa crime prevention, at pagpapatupad ng mga hakbang para labanan ang transnational at cybercrime.

Magkakaroon din ng pagkakataon ang mga tauhan ng PNP na lumahok sa exchange programs at specialized training sa South Korea. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here