Home NATIONWIDE Bagyong Wilma sasabayan ng 2 dambuhalang high tide

Bagyong Wilma sasabayan ng 2 dambuhalang high tide

305
0

Bulacan – Maraming residenteng nasa mababang lugar na kasalukuyang nakalubog sa baha sa lalawigang ito ang nababahala sa paglusob ng magkakasunod na dalawang dambuhalang high tide sa kasagsagan ng bagyong Wilma.

Sa tala, bandang 9:23 ng gabi ng Biyernes, nitong Disyembre 5 ay aabot sa 4.9 feet ang taas ng high tide.

Aabot naman sa 4.9 feet bandang 10:08 ng gabi ng Sabado habang 4.9 feet muli pagsapit ng 10:57 ng gabi ng Linggo na tinatayang maraming mababang lugar ang lulubog sa tubig-dagat o tubig-alat.

Base sa ulat, bukod sa bagyong Wilma na tatawid sa bahagi ng Visayas area palabas ng bansa nitong Linggo na sasabayan ng maalon o mas maalon na karagatan ay magpapa-ulan din ang amihan sa eastern portion ng Northern at Central Luzon.

Dahil dito, posibleng lalong lumubog ang dati nang nakalubog sa baha gaya ng ilang bahagi ng Brgy. Meysulao, San Miguel at Sta Lucia sa bayan ng Calumpit at iba pang karatig lugar.

Nangangamba rin ang maraming residenteng nasa mababang lugar o nasa baybayin gaya ng Hagonoy, Paombong, Malolos, Bulakan, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Marilao, Meycauayan at Obando na lumulubog na sa mas mababang high tide lalo na ngayong 4.9 feet ang laki.

Nanalangin ang mga residente na huwag nang sabayan pa ng malakas na ulan ang amihan dahil posibleng magpakawala ng tubig ang ilang dam sakaling kailanganin na mas lalong magpapalubog sa mga mababang lugar sa lalawigang ito at iba pang lugar. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here