Home NATIONWIDE P990M QRF replenishment sa disasted response, ECT payouts inaprubahan ng DBM

P990M QRF replenishment sa disasted response, ECT payouts inaprubahan ng DBM

265
0

MANILA, Philippines – PINASALAMATAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Department of Budget and Management (DBM) para sa pagpapalabas ng P990 million na quick response fund (QRF) na gagamitin para i-replenish ang relief goods at para sa emergency cash transfer (ECT) payout para sa mga apektado ng kamakailan lamang na bagyo at lindol.

Sinabi ni Assistant Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group (DRMG) na ang napapanahong pagpapalabas ng DBM ng QRF ay pagtiyak ng nagpapatuloy na paghahatid ng kinakailangang tulong partikular na sa mga komunidad na apektado ng mga Bagyong Tino (international name Kalmaegi) at Uwan (international name Fung-wong)

“Ito po ay mapupunta para sa pagpapatuloy ng implementasyon ng emergency cash transfers para doon sa mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo. To be very specific, ‘yung mga naapektuhan ng bagyong Tino at Uwan ay makakapag-umpisa na po tayo ng pamamahagi ng financial assistance,” ang sinabi ni Dumlao.

Aniya, ang pinaka-apektadong mga rehiyon na nangangailangan ng ECT payouts ay Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Western Visayas, at Central Visayas.

Samantala, patuloy namang nagpapalabas ang DSWD ng relief assistance sa mga apektado ng mga nakalipas na kalamidad, kabilang na ang mga Bagyong Opong (Bualoi) at Ramil (Fengshen), at maging ang kamakailan na paglindol na tumama sa Northern Cebu at Davao Oriental.

Tiniyak naman ni Dumlao sa publiko ang paghahanda ng DSWD sa gitna ng Tropical Depression Wilma, at iba pang potensiyal na weather disturbances ngayong Disyembre.

“Ang DSWD naman po ay nakahanda. Mayroon po tayong 1.3 million family food packs (FFPs) na naka-preposition sa iba’t ibang bahagi ng bansa at nagpapatuloy ang production sa amin pong Luzon Disaster Resource Center and Visayas Disaster Resource Center,” ang sinabi pa rin ni Dumlao. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here