Home NATIONWIDE PhilHealth sa pagbalik ng P60-B: Isang hamon sa wastong serbisyo sa mga...

PhilHealth sa pagbalik ng P60-B: Isang hamon sa wastong serbisyo sa mga Pilipino

321
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ang utos ng Supreme Court (SC) na ibalik ang P60 bilyon sa ahensya ay isang hamon upang masiguro na ito ay wastong magagamit para sa serbisyong pangkalusugan ng mga Pilipino.

Ipinawalang-bisa ng SC ang Special Provision 1(d), Chapter XLIII ng 2024 General Appropriations Act (GAA) at ang Department of Finance Circular 003-2024.

Ang nasabing special provision ay nag-uutos na ang “fund balance” o sobrang pondo ng government-owned or controlled corporations ay isauli sa National Treasury.

Dahil dito, nag-remit ang PhilHealth ng P60 bilyon sa Treasury, at sa ilalim ng DOF circular, P89.9 bilyon rin ang na-transfer. Subalit, natuklasan ng SC na malabo ang depinisyon ng “fund balance” sa 2024 GAA, kaya’t idineklara itong void.

Ayon sa PhilHealth, “Alam natin na kaakibat nito ay ang hamon na siguruhing wastong ilalaan ang halagang ito sa pagpapatibay ng serbisyong pangkalusugan.”

Pinangako rin ng ahensya ang patuloy na serbisyo at reporma sa sistema.

“Hangad naming matumbasan ang tiwala ng taumbayan sa kakayahan ng PhilHealth na gampanan ang ating mandatong seguruhin ang kalusugan ng lahat ng Pilipino,” dagdag nila.

Sa hiwalay na pahayag, tinanggap din ng Department of Health (DOH) ang desisyon at pinasalamatan ang SC sa “karunungan” sa pagbabalik ng pondo sa PhilHealth.

Ayon sa DOH, nakatuon sila at ang mga attached agencies tulad ng PhilHealth sa maayos at sustainable na pagpapatupad ng Universal Health Care Act. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here