MANILA, Philippines – Walang nanalo sa jackpot sa parehong Ultra Lotto 6/58 at Mega Lotto 6/45 nitong Biyernes, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa Ultra Lotto 6/58, ang winning combination ay 13-55-28-48-36-20 na may jackpot na ₱49.5 milyon, ngunit walang ticket ang tumugma sa lahat ng anim na numero.
Sa Mega Lotto 6/45, ang nanalong numero ay 13-03-45-42-21-04. Ang jackpot na ₱10.29 milyon ay nanatiling walang nanalo. RNT/MND