Home HOME BANNER STORY ICC medical report natanggap na ng kampo ni Duterte

ICC medical report natanggap na ng kampo ni Duterte

346
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng legal team ng dating pangulo Rodrigo Duterte na natanggap na nila ang ulat ng International Criminal Court (ICC) panel of experts tungkol sa kalagayan ng kanyang kalusugan.

Ayon kay Duterte’s lead counsel na si Atty. Nicholas Kaufman, “The reports have been received, but their content is confidential at present,” dagdag niya na ang ulat ay inilabas lamang sa Defense at sa Korte sa ngayon.

Noong nakaraang Pre-Trial Chamber I, itinakda ang December 5 bilang deadline para isumite ng panel ang report ng medical examination ni Duterte, kasunod ng kahilingan ng defense para sa indefinite adjournment sa proceedings.

Sa isang majority decision, sinabi ng Pre-Trial Chamber I na limitadong postponement ng hearing ay pinapayagan upang mabigyan ng sapat na oras ang pag-adjudicate ng kahilingan at kaugnay na mga bagay.

Inutusan din ng chamber ang ICC Registry na magsumite ng shortlist ng experts para suriin ang kalagayan ng kalusugan ng dating pangulo.

Batay sa mga dokumentong inilathala noong Nobyembre 14, ang kasalukuyang panel ay binubuo ng tatlong neuropsychiatry experts.

Ayon kay Kaufman, ihahain nila ang kanilang reply sa findings ng medical experts panel sa o bago ang December 12.

Itinanggi rin ng ICC ang kahilingan ni Duterte para sa interim release noong Nobyembre 28. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here