Home NATIONWIDE 9 kumpanya ng mga Discaya ipinasara ng Pasig LGU

9 kumpanya ng mga Discaya ipinasara ng Pasig LGU

308
0

MANILA, Philippines – Iniutos ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang pagsasara ng siyam na kumpanya nina Curlee at Sarah Discaya, mga kontrobersyal na private contractors na kasalukuyang nahaharap sa maraming graft at malversation charges.

Ayon sa Pasig City Administrator, “Ang mga establisyementong ito ay ipinasara matapos bawiin ng Lungsod ang kanilang business permits dahil sa malubha at paulit-ulit na paglabag.”

Kabilang sa umano’y mga paglabag ang mahigit P1.1 bilyong hindi nabayarang buwis, pag-operate nang walang occupancy permit, at reboked na PCAB (Philippine Contractors Accreditation Board) license.

Hindi pa tinukoy kung aling siyam na kumpanya ang ipinasara.

Naalala na si Sarah Discaya ay sumubok ngunit nabigo na talunin si Pasig Mayor Vico Sotto sa May 2025 elections.

Matapos nito, ang pamilya Discaya ay nasangkot sa umano’y anomalya sa mga flood control at iba pang infrastructure projects.

Noong Biyernes ng umaga, inihayag ni President Ferdinand Marcos Jr. na inirekomenda ng Ombudsman ang graft at malversation charges laban kay Sarah Discaya, kay St. Timothy Construction president Ma. Roma Angeline Rimando, at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Opisyal na isinampa ng Ombudsman ang mga kaso noong Biyernes.

Ang mga kasong graft at malversation ay may kaugnayan sa umano’y anomalous P96.5-milyong flood control project sa Barangay Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here