Home METRO Blessing, turn-over ng unified 911 motorcycles sa Calabarzon, pinangunahan ng DILG, PNP

Blessing, turn-over ng unified 911 motorcycles sa Calabarzon, pinangunahan ng DILG, PNP

3
0

LAGUNA, Philippines — Pinangunahan ng Secretay  of  Interior and Local Government  Juanito Victor C. Remulla at Chief, Philippine National Police, PGEN Jose Melencio C Nartatez Jr., ang Blessing at Turnover Ceremony ng 130 Unified 911 Emergency Response Motorcycles kanina sa Camp BGen Vicente P. Lim Covered Court.

Ang naturan Unified 911 Emergency Response Mororcycle ay ipinagkaloob kay PBGen. Dominic L. Baccay , kasama si Laguna Governor Sol Aragones at alkalde mula sa lalawigan ng Laguna at Batangas na karagdagang  mobility assets na ilalaan sa mga Police Stations partikular sa mga lugar na nangangailangan ng dagdag na mobility para sa mabilis na pagresponde at pagtugon sa mga emergency calls kabilang ang mga residenteng nangangailangan ng tulong.

Ayon sa mensahe ni SILG Remulla binigyan diin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na mobility assets upang matiyak na ang mga pulis na magreresponde ay makararating agad sa mga nangangailangan ng tulong partikular sa mga lugar na mas mabilis na makarating gamit ang motorsiklo.

“Humigit kumulang sa 40 porsiyento ng PNP personnel ang marunong magmaneho ng sasakyan, habang 90 porsiyento naman ang marunong magmaneho ng motorsiklo, dahilan upang maging mahalagang bahagi ng Police mobility ang mga naturan units ” Ayon kay SILG Remulla.

Dagdag pa ni Sec. Remulla ang pangangailangan ay matiyak na may sapat na mobility at emengency  equipment ang mga frontline government agencies, lalo na ang pagkakaroon ng sariling sasakyan ng PNP at Bureau of Fire Protection (BFP) bilang bahagi ng mas malawak na layunin para sa isang mas ligtas na komunidad.

Bilang bahagi ng inisyatibong ito ang patuloy na pagpapatupad ng Unified 911 Emergency Response System, na naglalayong pag-ugnayin ang emergency response efforts ng mga ahensya ng pamahalaan at gawing mas mabilis, organisado at episyente ang pagtugon sa mga tawag para sa tulong. Ang pagpapalakas ng response mobility ay kaakibat ng layunin ng Unified 911 na mailapit ang emergency assistance sa mga komunidad, kabilang ang mga lugar na malalayo at mahirap maabot.

Ipinaliwanag din ni SILG Remulla na ang Unified 911 Emergency Response System ay dapat maging kaibigan ng lahat, mula sa mga Mayor at komunidad hanggang sa PNP at Regional Law Enforcement Coordinating Committee (RLECC), dahil nagsisilbi itong iisang linya para sa agarang pagtugon sa mga nangangailangan.

Samantala, pinuri ni SILG Remulla sa pangkalahatan ang Philippine National Police dahil sa patuloy nitong pagbibigay ng serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman sa mga komunidad. “Mula sa pagiging isa sa mga institusyong may pinakamababang tiwala ng publiko, ang Philippine National Police ay naging “the most trusted agency,” na nagpapakita ng kahalagahan ng patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng komunidad,”

Sa PRO 4A, sinusuportahan ng mga karagdagang motorcycles ang B.E.S.T.  (Be Visible ,Engage Immediately , Serve Together, Transform Trust ) Policing Framework  ni PBGen Baccay na nagbibigay-diin sa police visibility, operational readiness, at mas mabilis na paglapit ng serbisyo sa komunidad ng CALABARZON. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here