MANILA, Philippines – Nagsagawa ng joint market inspection ang Department of Agriculture (DA) at Food and Drug Administration (FDA) sa Mega Q Mart sa Quezon City noong Biyernes.
Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pag-inspeksyon sa presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular ang sibuyas, karot, at baboy.
Kamakailan lamang, nagtakda ang ahensya ng maximum suggested retail price (MSRP) sa mga produktong ito dahil patuloy na tumataas ang presyo.
“Okay ang presyo dito, sumusunod sila sa MSRP. Mahal ang galunggong, mura ang manok, ang baboy ay reasonable. May isda na mura. Ang sibuyas, dapat ₱120—puti o pula, lokal o imported. Para sa ating mga consumers, paki-monitor ang presyo, at kung medyo mahal, tawagan ninyo ang DA,” ayon kay Tiu Laurel.
Dagdag pa niya, tutulong ang FDA sa market inspections upang matiyak ang kaligtasan ng pagkain na binebenta sa palengke. RNT/MND