MANILA, Philippines – Inaasahan ni Executive Secretary Ralph Recto noong Biyernes ang mas malakas at mas matatag na ekonomiya ng Pilipinas matapos bumagal ang inflation sa 1.5 porsyento noong Nobyembre.
Ani Recto, dating Finance Secretary, ang pagbaba ng inflation ay dahil sa pinatindi ng administrasyong Marcos Jr. ang mga hakbang para mapanatili ang presyo at matiyak ang suplay ng pagkain, partikular na ang bigas, gulay, at karne.
“Better days are coming. Makakaasa po ang bawat Pilipino ng mas malakas at mas matatag na ekonomiya sa mga darating na buwan dahil sa tiwala at mas tapat na pamamahala,” ani Recto.
“We will make a strong economic comeback in 2026.”
Ayon sa pahayag ng Office of the Executive Secretary, ang mababang inflation ay magbibigay ng mas malaking espasyo sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para i-adjust ang policy rates, na makapagpapalakas ng paggastos ng mga sambahayan at aktibidad ng ekonomiya.
Dagdag pa rito, nananatiling malakas ang oportunidad para sa pamumuhunan, dahil patuloy na tinatanggal ng pamahalaan ang mga sagabal upang hikayatin ang pribadong sektor.
“The government will reduce regulations and processes that hamper investments, and will soon announce new initiatives and investment opportunities for the private sector, particularly in the agriculture sector.”
Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dumaraan sa napakahirap na panahon ang Pilipinas dahil sa mga isyu ng korapsyon na nakaapekto sa kumpiyansa ng mga mamumuhunan at paggastos.
Dahil dito, bumagsak ang peso laban sa dolyar, nagtala ang Philippine Stock Market ng rekord na mababa, at hindi naabot ang target na paglago ng bansa dahil sa mabagal na paggastos ng gobyerno at pribadong sektor.
“The government’s commitment to good governance, transparency, and accountability has never been stronger,” ayon kay Recto.
“The government continues to arrest those responsible for the flood control anomaly—with more personalities expected behind bars by year-end,” dagdag pa nito. RNT/MND